Litratong Pinoy: Bulaklak
Ako ay medyo nahuli sa pagsumite ng aking lahok para sa lingguhang Litratong Pinoy na may tema na Bulaklak. Madami akong naisip na ilahok sa tema na ito dahil kaming ng aking kabiyak ay mahili gkumuha ng mga larawan ng mga bulaklak. At itong mga litrato na ito ay ilan lamang sa mga bulaklak na aming nakuhanan ng litrato habang kami ay nasa Balay Indang.
Ito ang kauna-unahang ako ay makakita ng ganitong uri ng bulaklak na kung tawagin ay “Lady’s Shoes”. Tingnan nyo, ito ay hugis sapatos ng babae.
Itong litratong ito naman ay kuha ng aking kabiyak, ngunit hindi ko alam kung ano ang pangalan nito.
Ang tingin ko sa bulaklak na ito ay kamag-anak ng santan, pero hindi.
At ito naman ay mga bulaklak na nakalagay sa isang batya na gawa sa bato na nilagyan ng ibat ibang uri ng bulaklak na pinitas sa hardin ng Balay Indang. Ito ay matatagpuan sa labas ng ‘Main House’ ng Balay Indang.
Maligayang araw ng LP!

























