Litratong Pinoy: Bulaklak
Ako ay medyo nahuli sa pagsumite ng aking lahok para sa lingguhang Litratong Pinoy na may tema na Bulaklak. Madami akong naisip na ilahok sa tema na ito dahil kaming ng aking kabiyak ay mahili gkumuha ng mga larawan ng mga bulaklak. At itong mga litrato na ito ay ilan lamang sa mga bulaklak na aming nakuhanan ng litrato habang kami ay nasa Balay Indang.
Ito ang kauna-unahang ako ay makakita ng ganitong uri ng bulaklak na kung tawagin ay “Lady’s Shoes”. Tingnan nyo, ito ay hugis sapatos ng babae.
Itong litratong ito naman ay kuha ng aking kabiyak, ngunit hindi ko alam kung ano ang pangalan nito.
Ang tingin ko sa bulaklak na ito ay kamag-anak ng santan, pero hindi.
At ito naman ay mga bulaklak na nakalagay sa isang batya na gawa sa bato na nilagyan ng ibat ibang uri ng bulaklak na pinitas sa hardin ng Balay Indang. Ito ay matatagpuan sa labas ng ‘Main House’ ng Balay Indang.
Maligayang araw ng LP!












alam ko po yung isang color pink na bulaklakm ang twag po doon ay Torch, i like po lady shoe. first time ko lang siya nakita
lahat naman talaga na mga bulaklak ay magaganda.. wla talaga akong masabi kundi……GANDAAAAAAA…..
lahat ng bulaklak dun ay gusto ko at maga2nda tlga.
ang ganda naman ng mga bulaklak. di pala ako nakalahok sa linggong ito. nakalimutan ko na hehehe! sa susunod na lang
ganda nung detalye ng 2nd pic
yung pangatlong bulaklak nakita ko na…kay ganda nyan lalo’t magkaroon ka ng iba’t ibang kulay nya at pagsama samahin
ang aking mga bulaklak at ang mga talulot nito ay nasa Reflexes at Living In Australia
Lahat ng bulaklak sa lahok mo ay magaganda! Ang paborito ko naman ay yung nasa 2nd shot
Katuwa naman nyang unang litrato, hugis sapatos ng babae?
Ang ganda-ganda ng pangalawa naman at ang tingkad.
Hi pining! yan din pinakagusto ko sa mga lahok ko.
Arls, hndi ito sa Sonya’s…sa Balay Indang po….malapit lng din sa Sonya’s
salamat sa pagdalaw!
meron din ako ng last picture mo, di lang gaanong malinaw. sa sonya’s diba?
happy huwebes ka!
ito naman ang aking lahok: http://sunshinearl.com/2009/lp-bulaklak-flower/
ang gaganda ng iyong lahok:-)
I particularly like the last one…so pretty!