19. February 2009

Litratong Pinoy: Tipanan (Date) sa Balay Indang

date

Ang litrato na ito ay kinunan noong Araw ng mga Puso kung saan amin itong idinaos sa Balay Indang kasama ang aking ama at ina, pati na din ang aking bunsong kapatid kasama ang aking mag-ama. Ang lahat ng tungkol dito ay aking ilalathala sa blog na ito sa ibang araw.

Dito kami nagdiwang ng araw ng mga puso upang magpahinga at magliwaliw. Isa itong tahimik na lugar na tiyak inyo ring magugustuhan. Pwede na itong ipalit pansamantala sa Orlando vacations dahil bukod sa abot-kaya, ito’y isang paraan para maipakita ang ganda ng sariling atin. :D

Itong litrato na ito ay isa sa amng paborito sa lahat ng litrato na aming kinunan sa lugar na iyon. Tingnan nyo kami ng aking kabiyak, pawang magkatipan lamang. Hehehe.

Maligayang Huwebes!

Blog Widget by LinkWithin

4 Comments

1. milet commented on February 19, 2009 at 1:31 pm

napakagandang tanawin. salamat sa pagbisita. maligayang huwebes!

2. Mayet commented on February 19, 2009 at 4:59 pm

napaka serene nga ng lugar :)

3. toni commented on February 20, 2009 at 1:57 pm

mukhang ang ganda dyan ah! maligayang LP! eto naman ang aking lahok http://paulandtoni.com/?p=539 :)

4. Munchkin Mommy commented on February 25, 2009 at 2:11 pm

mabuti naman at nakapgdiwang kayo ng araw ng mga puso. :)

Add a comment

Following tags are allowed: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

Spam Protection by WP-SpamFree