10. December 2009

Ang aking hiling…

litratong PINOY BUTTON

Bawat isa sa atin ay may kanya kanyang hiling. Mayrong materyal at hindi materyal na bagay. Syempre ang lahat ng ating hiling ay matutupad lamang kung nanaiisin ng ating Diyos. Katulad na lamang ng aking unang hiling na sana sa susunod na paggamit ko ng pregnancy test kit na kagaya ng nasa larawan ay maging positibo na ang resulta.

pregnancy kit (1 of 1)

Ito ang dalawang pregnancy kits na aking ginamit mahigit apat na taon na ang nakalilipas. Dalawang beses akong nag-test, sa gabi bago matulog at sa umaga pagkagising, upang maging sigurado. Tandang-tanda ko pa noong una kaming mag-test dahil pareho kaming excited ng aking kabiyak habang iniintay ang resulta. Iniwan muna namin sandali sa lamesa ang test kit at muling sinilip after ng 5 minuto. Pareho kaming naluha sa sobrang kaligayahan ng makita namin na may dalawang linya doon sa test kit, na ang ibig sabihin ay positibo akong buntis.  Ito ay isa sa mga momentous moments naming mag-asawa. Ngayon, halos mag-aapat na taon na ang aming munting anghel at hinihiling namin na siya ay magkaroon na ng kapatid.

Ito naman ang isa ko pang hiling. Ang magkaroon ng sariling bahay. Ang hiling ko ay matupad namin ito sa darating na mga taon kagaya ng mga unang hiling namin na unti-unti naming natupad.

model house (5 of 1)


model house (4 of 1)


model house (3 of 1)


model house (2 of 1)

Ito ay isang model house na kinunan namin ng litrato noong kami ay bumisita sa isang bagong village sa aming lugar. Maliit, pero maganda at sapat lang sa aming pamilya. Gustong-gusto ko ang disenyo nito dahil maximized ito.

I know in God’s will matutupad ang aming mga hiling. Sana kayo din. :)

Photobucket

Blog Widget by LinkWithin

9 Comments

1. Kerslyn commented on December 10, 2009 at 8:02 pm

sana matupad na rin aming hiling gaya ng una nyong hiling. :-)

ganda ng haus Mommy Bang! pero sigurado ko mahal yan. hanggang pangarap nalang siguro kami ng ganyan.hehehe

2. Pinky commented on December 10, 2009 at 8:07 pm

Congratulations on your first wish come true! Am sure getting the next one is not that far behind… Sabi nga nila, tuwing may bagong buhay na ipinagkaloob, tiyak may karagdagang biyayang ibibigay. May all your fervent prayers be answered and all your ardent wishes come true!

3. Mirage commented on December 11, 2009 at 4:49 am

Sons are an inheritance from God…(Psalms 127:3)

Blessings! Happy LP!

4. Ebie commented on December 11, 2009 at 9:22 am

Alam ko ang excitement kung mabuntis. Ako din, nung sinabi ng OB-GYN ko na hindi ako pwedeng manganak, binigyan ako ng test pills, at kung sa loob ng 10 araw kung hindi ako niregla, buntis ako. Ngayon may 25 taon na ang nakaraan, RN na ang anak ko.

Sana matupad din ang hiling mo na magkaroon ng bahay. Cute and model house.

Maligayang Pasko!

5. Bang commented on December 11, 2009 at 5:04 pm

@kerslyn, ganda noh! Sana magkaron kami ng bahay na katulad nito. :) Maligayang Pasko kerslyn!

@Pinky, thanks for the wish! God bless!

@ Mirage, he’s a blessing indeed. Maligayang pasko!

@ Ebie, God only knows His plans for us and we’re willing and will patiently wait. :) Maligayang Pasko!

6. Jay - Agent112778 commented on December 12, 2009 at 1:22 am

wish ko rin magka baby narin ang friend ko, its been years na we are praying for them to have joys in their home

sana maibigan nyo rin ang aking lahok
magandang araw ka-litratista :)
Salamat sa pagbisita :)

7. Nortehanon commented on December 12, 2009 at 5:46 pm

Hi Ms. Bang!
Salamat sa muling pagdalaw sa blog ko at sa pag-iwan ng komento.

May those two wishes come true. I’m they they will. At kapag natupad na, share mo sa amin ang good news :)

Have a blessed weekend!

P.S.
Sorry it took 48 years before I could comment back. Di ko kasi malaman kung paano maglalagay ng comment dito hehehe. What I did was click the title of the post at saka lang nag-appear itong comment field.

8. greyz commented on December 16, 2009 at 12:39 pm

hi bang congrats sna girl n yn,,,,and2 c debbie s pinas sna mgktakitz tau soon…

9. LP0960 Paskong Pinoy | Chronicles of Kotsengkuba commented on December 19, 2009 at 12:18 am

[...] Bang and her husband both wish for a new house but above all, they are wishing to be blessed with another baby. [...]

Add a comment

Following tags are allowed: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

Spam Protection by WP-SpamFree