Litratong Pinoy: Sea Urchin
Noong nakaraan weekend ay nabigyan ulit kami ng pagkakataon para mabisitang muli ang probinsya ng Bohol. Aming napuntahan ang mga lugar na hindi namin napuntahan noon una naming pagbisita. Isa sa mga lugar na ito ay ang Virgin Island. Isang napakagandang Isla na kulay puti ang buhangin. Dito ay may mga nagbebenta ng mga sea urchins na sinisid ng mga taga-roon para sa kanilang kabuhayan. Hindi pa ako nakakatikim ng sea urchin sa tanang buhay ko at ngayon lang ako nakakita nito.
Narito ang litrato ng sea urchins na binebenta ng mga taga-roon sa halagang P25 ang isa. Mahal daw ito sa restaurant. Makapal ang pinaka-shell nito na may mga maninipis na tinik.

Ngunit pag ito ay iyo nang binuksan, makikita mo na manipis lang pala ito.
Tinikman ko ito at ito ay aking nagustuhan lalo na nung nilagyan ng suka.
Ang sarap!
Ito ang aking lahok para sa Litratong Pinoy na may temang MAKAPAL at MANIPIS. Bisitahin nyo rin ang lahok ng iba dito.










Trackback
RSS Feed

2 Comments
1.
Arlene commented on January 14, 2010 at 1:32 pm
takot ako sa urchins, Bang. Buti nalang di kayo na tusok sa mga tinik ng urchin.
ganda ng pagka kuha.
my entry is now up na din.
maligayang Huwebes!
2.
thess commented on January 14, 2010 at 10:00 pm
Naku oo, mahal ang sea urchins dito sa mga classy restaurants. Once pa lang ako nakakain nito pero hindi ko na matandaan ang lasa!
Happy LP, Bang