Litratong Pinoy: Kasinungalingan
Ang larawan na ito ng aking kabiyak ay kuha sa Chocolate Hills sa Bohol noong nakaraang Enero 2010. Diba’t halatang-halata na isang malaking kasinungalingan ang ‘background’? Nakakalungkot isipin na ginagamit nila ito para pagkakitaan, ngunit lubhang halata na ang mga ito ay larawan lamang na yari sa tarpaulin.
Bakit nga ba hindi na pinapayagan na magpakuha ng litrato doon sa may burol? May mga usap-usapan na may nahulog na daw doon habang kinukunan ng jumpshot. Sabagay, delikado naman talaga kasi isang maling hakbang mo lang ay tiyak na mahuhulog ka talaga sa bangin. Buti na lng nagkaroon pa kami ng pagkakataon na magkaroon ng isang magandang “jump shot” sa Chocolate Hills noong una namin itong puntahan noong 2007. ;)






anu ba yan!? nakakainis namang mamasyal pagkaganun…
tinamad tuloy akong magbohol…
Oo nga sabi ng kaibigan ko ay taurpaulin na lang daw…
Halatang halata nga ang tarpulin. Sayang hindi pa ako nakapunta sa Chocolate Hills, kaya hindi ko ma visualize.
Waah! malapit pa naman sa Dumaguete ang Bohol!
Happy LP!
waaa!!! tama pala sister ko. sabi nya may nakita raw sya photo at halatang tarp. sabi ko naman, hindi kasi akala ko totoong chocolate hills yung background ng nakita kong photo noon.
wala bang viewing deck dun Mommy? kaka-sad naman kung ganun. yun nga ang sinasadya ng mga tao eh, ang chocolate hills.
actually, viewing deck to kerslyn. Kaso nilagyan na din nila ng fence na made of chicken wire ung deck, so hindi na talaga maganda magpakuha ng picture.
Ang ganda pa naman dun…
sabi ko na eh may nakitaan din ako ng ganyan at halatang fake yung background. sayang naman at bawal ng magpakuha duon. hindi pa naman ako nakakapunta sa bohol:(
ganda ng bohol
for protection of their tourists na din kaya cguro pinagbawal. nonetheless, maganda pa din ang picture na tarp ang background =)
Happy LP
Kung walang kulubot siguro ay papasa naman ito. Hahaha!
Happy LP!
Eto po ang sa akin — http://siteseer.blogspot.com/2010/04/nixon-or-mussolini.html
talaga, di na pinapayagan magpakuha ng litrato na may chocolate hills background? bakettt? tapos dito na lang s tarpaulin na lang? nakakatawa naman ang patakaran na yan.
onga e, for safety purpose din siguro.