LP: Gusto
Ito ay koleksyon ng mga “die-cast characters” mula sa pelikulang “CARS The Movie” ng aking anak. Pinapakita nito kung gaano nya kagusto ang pelikulang ito lalo na si Lightning McQueen kaya kung ilang ulit na namin napanood ang pelikulang ito sa DVD.
At ito naman ang pinakabagong karagdagan sa kanyang koleksyon: Isang set ng “kiddie bed” na maydisenyong Lightning McQueen.


















