Litratong Pinoy
Litratong Pinoy: Bulaklak
Ito ang bulaklak na galing sa aking ‘wedding bouquet’, limang taon na ang nakalilipas. Ito ay aking inilagay sa isang ‘glass container’ upang mapreserba. Tuyo na ang mga ito ngunit buhay na buhay pa din ang aming pagmamahalan.
Ito ang aking lahok para sa Litratong Pinoy.
Litratong Pinoy: Kasinungalingan
Ang larawan na ito ng aking kabiyak ay kuha sa Chocolate Hills sa Bohol noong nakaraang Enero 2010. Diba’t halatang-halata na isang malaking kasinungalingan ang ‘background’? Nakakalungkot isipin na ginagamit nila ito para pagkakitaan, ngunit lubhang halata na ang mga ito ay larawan lamang na yari sa tarpaulin.
Bakit nga ba hindi na pinapayagan na magpakuha ng litrato doon sa may burol? May mga usap-usapan na may nahulog na daw doon habang kinukunan ng jumpshot. Sabagay, delikado naman talaga kasi isang maling hakbang mo lang ay tiyak na mahuhulog ka talaga sa bangin. Buti na lng nagkaroon pa kami ng pagkakataon na magkaroon ng isang magandang “jump shot” sa Chocolate Hills noong una namin itong puntahan noong 2007. ;)
Litratong Pinoy: Sea Urchin
Noong nakaraan weekend ay nabigyan ulit kami ng pagkakataon para mabisitang muli ang probinsya ng Bohol. Aming napuntahan ang mga lugar na hindi namin napuntahan noon una naming pagbisita. Isa sa mga lugar na ito ay ang Virgin Island. Isang napakagandang Isla na kulay puti ang buhangin. Dito ay may mga nagbebenta ng mga sea urchins na sinisid ng mga taga-roon para sa kanilang kabuhayan. Hindi pa ako nakakatikim ng sea urchin sa tanang buhay ko at ngayon lang ako nakakita nito.
Narito ang litrato ng sea urchins na binebenta ng mga taga-roon sa halagang P25 ang isa. Mahal daw ito sa restaurant. Makapal ang pinaka-shell nito na may mga maninipis na tinik.

Ngunit pag ito ay iyo nang binuksan, makikita mo na manipis lang pala ito.
Tinikman ko ito at ito ay aking nagustuhan lalo na nung nilagyan ng suka.
Ang sarap!
Ito ang aking lahok para sa Litratong Pinoy na may temang MAKAPAL at MANIPIS. Bisitahin nyo rin ang lahok ng iba dito.














