Litratong Pinoy
Ang aking hiling…
Bawat isa sa atin ay may kanya kanyang hiling. Mayrong materyal at hindi materyal na bagay. Syempre ang lahat ng ating hiling ay matutupad lamang kung nanaiisin ng ating Diyos. Katulad na lamang ng aking unang hiling na sana sa susunod na paggamit ko ng pregnancy test kit na kagaya ng nasa larawan ay maging positibo na ang resulta.
Ito ang dalawang pregnancy kits na aking ginamit mahigit apat na taon na ang nakalilipas. Dalawang beses akong nag-test, sa gabi bago matulog at sa umaga pagkagising, upang maging sigurado. Tandang-tanda ko pa noong una kaming mag-test dahil pareho kaming excited ng aking kabiyak habang iniintay ang resulta. Iniwan muna namin sandali sa lamesa ang test kit at muling sinilip after ng 5 minuto. Pareho kaming naluha sa sobrang kaligayahan ng makita namin na may dalawang linya doon sa test kit, na ang ibig sabihin ay positibo akong buntis. Ito ay isa sa mga momentous moments naming mag-asawa. Ngayon, halos mag-aapat na taon na ang aming munting anghel at hinihiling namin na siya ay magkaroon na ng kapatid.
Ito naman ang isa ko pang hiling. Ang magkaroon ng sariling bahay. Ang hiling ko ay matupad namin ito sa darating na mga taon kagaya ng mga unang hiling namin na unti-unti naming natupad.
Ito ay isang model house na kinunan namin ng litrato noong kami ay bumisita sa isang bagong village sa aming lugar. Maliit, pero maganda at sapat lang sa aming pamilya. Gustong-gusto ko ang disenyo nito dahil maximized ito.
I know in God’s will matutupad ang aming mga hiling. Sana kayo din.
Litratong Pinoy: Karatula – Buko for Sale
Narito ang lahok ko para sa tema ngayong linggong ito: Mamahaling Buko!
Lubhang napakamahal ng buko sa Boracay!!! Samantalang ang isang piraso nito ay mabibili mo lamang ng PhP18 dito sa aming lugar. Iba kaya ang lasa ng buko sa Boracay?
Hindi namin tinikman dahil mahal nga. ![]()
Sa bahay na lang kami babawi ng buko. Hehehe!
Litratong Pinoy: The Zipline at Tagaytay Picnic Grove
Noong nakaraang Linggo, kami ay nagtungo sa Tagaytay upang ipagdiwang ang kaarawan ng aking nanay. Isa sa aming pinuntahan ay ang Picnic Grove kung saan namin inilatag ang aming mga baon para kumain. Maganda ang panahon noong Linggo sa Tagaytay dahil makulimlim and medyo umulan. Very foggy noong araw na un. Buti na lang noong oras na para kami ay magpicnic, hindi na umulan. Nakapagpahinga kami ang nakapagpakuha ng litrato. At ang pinakamasaya pa dito ay ang maranasan na sumakay sa ZIPLINE kasama si Andre. Noong una, natatakot kami para kay Andre, pero sabi nya gusto nya daw at hindi daw sya matatakot. At saka, nakikita nya siguro na may mga bata na sumasakay kaya sabi nya, kaya nya. Kaya eto ang nangyari…..tingnan nyo
Isang tagumpay na pagsakay sa Zipline.
Hindi man lang natakot si Andre. Pero ang daddy nya hanggang sa pagbaba, nanginginig pa ang mga tuhod. Hehehe!
Dahil hindi naman natakot si Andre, sumakay pa ulit kami ng isa pa.
Heto ang aming LAKAD, ito ang lahok ko para sa tema ng Litratong Pinoy sa linggong ito.

















