a Bang's life
family | home | travel | food | photography
Subscribe

Enter your email address:

Delivered by FeedBurner

Thanks for following






PageRank

Litratong Pinoy

Litratong Pinoy: Almusal – Tinapang Bangus, Pritong Talong, Itlog, at Kamatis

Sarap ng walang pasok! Dahil walang pasok kahapon, at feeling ko eh Linggo, naghanda ako ng masarap na almusal. Pumunta kami ng maaga sa palengke ng aking mister upang bumili ng mga sahog para sa ulam. Nakakita ako ng boneless tinapang Bangus at aking iyong binili upang aming agahan. Sinamahan ko din ng talong para iprito. Habang ako’y nagpiprito, nagsaing ako at inilagay sa ibabaw ang 2 itlog at kamatis. At ito ang kabuuan ng aming agahan:

Almusal

Tinapang bangus, pritong talong, kamatis, at nilagang itlog.

Photobucket

Litratong Pinoy: Nakakakilabot

Maliban sa ipis, itong insekto na ito ay akin ding kinatatakutan. Para sa akin ang makita ito ay nakakakilabot, ano pa at madapuan ka nito. Natatandaan ko ang isang palabas na may pamagat na Arachnophobia. Nakakapangilabot!

nakakakilabot

Litratong Pinoy: Basa at Tuyo

Ito ang aking lahok para sa dalawang tema ng Litratong Pinoy.

Ityo ay para sa temang: Tuyo

Ito ay larawan ng daing na biya na napakasarap na ulam kasama ng mainit na sinangag. Sa aking wari, ito ay mahirap gawin dahil kailangan pa itong ibilad sa araw upang matuyo.

Tuyo

At ito naman ang aking lahok para sa nakaraang lingong tema: Basa

Larawan ito ng aking mag-ama habang sila ay tuwang tuwa na mabasa habang nakababad sa swimming pool.

basa

Litratong Pinoy: Kandado

Ako ay nahirapang mag-isip para sa tema ng Litratong Pinoy para sa linggong ito. Pagkatapos kong makita ang lahok ng aking mga kaibigan sa LP, ito ang aking naiisip….

kandado

Ito ang kandado ng bag ng aming DSLR.

kandado2-2

Itong bag na ito ay nabili ko ng segunda-mano sa aking kaopisina na mahilig din sa pagkuha ng mga larawan. Ilang buwan pa lamang ito mula ng kanyang binili at napagisipang ibenta dahil siya ay nagpalit ng bagong camera at nangangailangan ng mas malaking bag.

Litratong Pinoy: Dito lang

Dito lang sa bayan ng Kawit, probinsya ng Cavite, matatagpuan ang Aguinaldo Shrine. Ito ang matandang bahay ng unang pangulo ng republika ng Pilipinas na si Emilio Aguinaldo. Napadaan kami sa lugar na ito ilang araw bago ipagdiwang ang Araw ng Kalayaan. Sa totoo lang, wala sa plano namin ang pumunta dito. Napunta lang kami dito ng magkamali ng liko ang aking kabiyak noong kami ay patungo sa get-together ng aking mga kaibigan na gaganapin sa isang resort malapit sa Bayan na iyon. Tutal andun na din kami at maaga pa naman para sa aming tagpuan, napagdesisyunan naming bumaba ng sasakyan at magpakuha ng mga litrato sa nasabing lugar.

At ito ang kinahinatnan….


LPINOY

LPINOY3

LPINOY2

At dito lang sa Cavite ang lugar na aking babalik-balikan dahil ito ang aking kinalakihan.

ARCHIVES
What’s Cooking?