a Bang's life
family | home | travel | food | photography
Subscribe

Enter your email address:

Delivered by FeedBurner

Thanks for following






PageRank

Photography

Litratong Pinoy: Imposible ba ito?

3-some

Imposible ba ito?

Ito ay larawan ng 3 kulisap na nagtatalik. Ito pala ay hindi imposible. Napabilib ako ng aking butihing kabiyak sa larawang ito. Ito ay nakuhanan nya noong nakaraang Abril sa may halamanan ng kanilang opisina. Akalain kong natyempuhan nya itong mga kulisap na ito.

Ito ang aking lahok para sa…

Litratong Pinoy: Pangarap

Isa sa mga pangarap ng aking mga magulang ay ang makatuntong sa Amerika. Ito ay kanilang nakamit noong nakaraang taon nang sila ay mabigyan ng US VISA, pagkatapos ng makailang beses na pagkakait ng embahada ng America na bigyan sila ng VISA. Salamat at binigyan naman sila ng pagkakataon na makatungtong sa America at nabigyan ng pagkakataong mabisita ang aking panganay na kapatid at ang ibang kamag anak ng aking nanay. Maligayang-maligaya kami para sa kanila kasi alam namin na isa iyon sa pangarap nila, na ngayon ay natupad na bago man lang sila mawala sa mundong ito dahil sila ay may katandaan na din. Narito ang kanilang larawan:


momdad-ny

Litratong Pinoy: Misyon (Mission)

Paumanhin sa aking pagiging liban ng isang buwan sa LP dahil sa aking pagiging abala sa iba’t ibang bagay. Kaya ngayon, nais kong bumawi at ibahagi muli ang aking mga larawan.

“Misyon” ang tema ng LP para sa linggong ito. Lahat ng tao ay may kani-kaniyang misyon sa buhay. Sa ngayon, ang misyon ko ay magpapayat bilang paghahanda sa aming susunod na anak. Ang naisip ko ilahok ay ang larawan ng aming anak na si Andre nung siya ay ipinanganak ko. Nais namin sana, kung pagpapalain muli ng ating Maykapal, ay magkaroon muli ng anak. Nasa tamang edad na si Andre upang aming sundan.

misyon

Ito naman ang misyon ng aking kabiyak. Ang mapag-aralan na mabuti ang paggamit ng kaniyang bagongNikon DSLR na aking ineregalo nung aming ika-4 na anibersaryo ng kasal. At syempre, nakikigamit din ako. :D

litratong-pinoy-21

Maligayang LP sa lahat!

ARCHIVES
What’s Cooking?