LP: Tawid

Ito ay larawan ng isang bangka na tumatawid ng dagat isang dapit-hapon sa Pundaquit, Zambales. Isa ito sa pinakamagandang dapit-hapon na aking nasaksihan sa tabing dagat. Inyo ding natatanaw ang mga isla ng Capones at Camara.

Litratong Pinoy: Bulaklak

Ito ang bulaklak na galing sa aking ‘wedding bouquet’, limang taon na ang nakalilipas. Ito ay aking inilagay sa isang ‘glass container’ upang mapreserba. Tuyo na ang mga ito ngunit buhay na buhay pa din ang aming pagmamahalan. :)

Ito ang aking lahok para sa Litratong Pinoy.

Ang aking hiling…

litratong PINOY BUTTON

Bawat isa sa atin ay may kanya kanyang hiling. Mayrong materyal at hindi materyal na bagay. Syempre ang lahat ng ating hiling ay matutupad lamang kung nanaiisin ng ating Diyos. Katulad na lamang ng aking unang hiling na sana sa susunod na paggamit ko ng pregnancy test kit na kagaya ng nasa larawan ay maging positibo na ang resulta.

pregnancy kit (1 of 1)

Ito ang dalawang pregnancy kits na aking ginamit mahigit apat na taon na ang nakalilipas. Dalawang beses akong nag-test, sa gabi bago matulog at sa umaga pagkagising, upang maging sigurado. Tandang-tanda ko pa noong una kaming mag-test dahil pareho kaming excited ng aking kabiyak habang iniintay ang resulta. Iniwan muna namin sandali sa lamesa ang test kit at muling sinilip after ng 5 minuto. Pareho kaming naluha sa sobrang kaligayahan ng makita namin na may dalawang linya doon sa test kit, na ang ibig sabihin ay positibo akong buntis.  Ito ay isa sa mga momentous moments naming mag-asawa. Ngayon, halos mag-aapat na taon na ang aming munting anghel at hinihiling namin na siya ay magkaroon na ng kapatid.

Ito naman ang isa ko pang hiling. Ang magkaroon ng sariling bahay. Ang hiling ko ay matupad namin ito sa darating na mga taon kagaya ng mga unang hiling namin na unti-unti naming natupad.

model house (5 of 1)


model house (4 of 1)


model house (3 of 1)


model house (2 of 1)

Ito ay isang model house na kinunan namin ng litrato noong kami ay bumisita sa isang bagong village sa aming lugar. Maliit, pero maganda at sapat lang sa aming pamilya. Gustong-gusto ko ang disenyo nito dahil maximized ito.

I know in God’s will matutupad ang aming mga hiling. Sana kayo din. :)

Photobucket

Litratong Pinoy: Karatula – Buko for Sale

Narito ang lahok ko para sa tema ngayong linggong ito: Mamahaling Buko!

karatula

Lubhang napakamahal ng buko sa Boracay!!! Samantalang ang isang piraso nito ay mabibili mo lamang ng PhP18 dito sa aming lugar. Iba kaya ang lasa ng buko sa Boracay? :D Hindi namin tinikman dahil mahal nga. :D
Sa bahay na lang kami babawi ng buko. Hehehe!

Photobucket

Litratong Pinoy: Meryenda – Kape at Bagel with Herbed Cream Cheese

litratong PINOY BUTTON

Eto ang aking lahok para sa tema ngayong linggong ito. Ang aking meryenda:

Palaman: Herbed Cream Cheese from Pan de Manila


cream cheese

Tinapay: Bagel from Country Style (Nabili ko lang ito ng mura, 20% off ;)  )

bagel

Panulak: Brewed Coffee with cream

blogpics (32 of 44)

Haay, sarap talaga kumain! :D

Photobucket

Litratong Pinoy: Almusal – Tinapang Bangus, Pritong Talong, Itlog, at Kamatis

Sarap ng walang pasok! Dahil walang pasok kahapon, at feeling ko eh Linggo, naghanda ako ng masarap na almusal. Pumunta kami ng maaga sa palengke ng aking mister upang bumili ng mga sahog para sa ulam. Nakakita ako ng boneless tinapang Bangus at aking iyong binili upang aming agahan. Sinamahan ko din ng talong para iprito. Habang ako’y nagpiprito, nagsaing ako at inilagay sa ibabaw ang 2 itlog at kamatis. At ito ang kabuuan ng aming agahan:

Almusal

Tinapang bangus, pritong talong, kamatis, at nilagang itlog.

Photobucket

« Previous Entries