Posts Tagged ‘Litratong Pinoy’
Litratong Pinoy: Almusal – Tinapang Bangus, Pritong Talong, Itlog, at Kamatis
Sarap ng walang pasok! Dahil walang pasok kahapon, at feeling ko eh Linggo, naghanda ako ng masarap na almusal. Pumunta kami ng maaga sa palengke ng aking mister upang bumili ng mga sahog para sa ulam. Nakakita ako ng boneless tinapang Bangus at aking iyong binili upang aming agahan. Sinamahan ko din ng talong para iprito. Habang ako’y nagpiprito, nagsaing ako at inilagay sa ibabaw ang 2 itlog at kamatis. At ito ang kabuuan ng aming agahan:
Tinapang bangus, pritong talong, kamatis, at nilagang itlog.
Litratong Pinoy: Imposible ba ito?
Imposible ba ito?
Ito ay larawan ng 3 kulisap na nagtatalik. Ito pala ay hindi imposible. Napabilib ako ng aking butihing kabiyak sa larawang ito. Ito ay nakuhanan nya noong nakaraang Abril sa may halamanan ng kanilang opisina. Akalain kong natyempuhan nya itong mga kulisap na ito.
Ito ang aking lahok para sa…
Litratong Pinoy: Pangarap
Isa sa mga pangarap ng aking mga magulang ay ang makatuntong sa Amerika. Ito ay kanilang nakamit noong nakaraang taon nang sila ay mabigyan ng US VISA, pagkatapos ng makailang beses na pagkakait ng embahada ng America na bigyan sila ng VISA. Salamat at binigyan naman sila ng pagkakataon na makatungtong sa America at nabigyan ng pagkakataong mabisita ang aking panganay na kapatid at ang ibang kamag anak ng aking nanay. Maligayang-maligaya kami para sa kanila kasi alam namin na isa iyon sa pangarap nila, na ngayon ay natupad na bago man lang sila mawala sa mundong ito dahil sila ay may katandaan na din. Narito ang kanilang larawan:














