
Paumanhin sa aking pagiging liban ng isang buwan sa LP dahil sa aking pagiging abala sa iba’t ibang bagay. Kaya ngayon, nais kong bumawi at ibahagi muli ang aking mga larawan.
“Misyon” ang tema ng LP para sa linggong ito. Lahat ng tao ay may kani-kaniyang misyon sa buhay. Sa ngayon, ang misyon ko ay magpapayat bilang paghahanda sa aming susunod na anak. Ang naisip ko ilahok ay ang larawan ng aming anak na si Andre nung siya ay ipinanganak ko. Nais namin sana, kung pagpapalain muli ng ating Maykapal, ay magkaroon muli ng anak. Nasa tamang edad na si Andre upang aming sundan.

Ito naman ang misyon ng aking kabiyak. Ang mapag-aralan na mabuti ang paggamit ng kaniyang bagongNikon DSLR na aking ineregalo nung aming ika-4 na anibersaryo ng kasal. At syempre, nakikigamit din ako.

Maligayang LP sa lahat!
